Advertisers
Natapos na ang apat na taong pagtatago ng isang most wanted person sa Maynila, nang mahuli sa Pulilan, Bulacan.
Ayon sa imbestigasyon ng Manila Police District, miyembro si alyas “Rence” ng isang grupo na “gun for hire”.
Sa ulat, nagpanggap pa siyang napatay sa engkwentro sa Tondo noong 2019 pero nagtago lang pala sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Napag-alaman ng PNP ang modus ng akusado at natunton ito sa pamamagitan ng mga post niya sa social media.
Matapos makumpirma ang mga impormasyon, ikinasa na ang operasyon at agad naaresto si “Rence” sa Pulilan.
Bukod sa kasong murder, nahaharap din siya sa kasong attempted murder dahil may mga nasugatan nitong mabaril noong naganap ang krimen sa Tondo noong 2019.