Advertisers

Advertisers

Dambuhalang buwaya nahuli sa Palawan

0 173

Advertisers

ISANG dambuhalang buwaya ang nahuli ng mga residente sa Barangay Sumbiling, Bataraza, Palawan, Miyerkoles ng gabi.

Sa pagsusuri ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), nagtamo ng kaunting sugat ang buwaya dahil sa pagsilo ng mga residente dito.

Sa pag-iimbestiga, isang residente na nakatira malapit sa lugar ang sumasalok ng tubig sa ilog nang umatake ang buwaya. Mabuti na lamang at agad itong nakatakas.



Ayon kay Forester Jovic Fabello, tagapagsalita ng PCSD, madalas talaga sa mga ilog ang mga buwaya.

“Ang mga ilog sa Bataraza ay spot talaga ng mga crocodile at alam naman natin na nocturnal ang mga ito. Sumakto naghahanap ito ng pagkain at nadaanan ‘yung prospect niya na nandoon itong tao pero buti na lamang rin at nakaiwas siya at nakaligtas,” aniya.

Pero para mabawasan ang pangamba, nagdesisyon ang mga naninirahan sa lugar na hulihin ang hayop para makaiwas na ito ay mayroon pang mapinsalang tao o mga alagang hayop.

Nasa 15 talampakan at 70 sentimetro ang lapad ng lalaking crocodylus porosus na ginamot na ng mga eksperto bago ito ilipat ng kulungan sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">