Advertisers

Advertisers

Bading kulong sa pagmamaltrato sa 2 pamangkin

0 116

Advertisers

SA kulungan ang bagsak ng isang transgender nang maltratuhin ang dalawang menor de edad na pamangkin nito sa Quezon City.

Ang suspek ay dati narin dinakip nang masawi ang isa pa niyang pamangkin dahil sa pambubugbog.

Sa ulat, inaresto ang suspek sa Barangay Culiat, 12:00 ng madaling araw nitong Biyernes sa bisa ng warrant of arrest sa kasong 2 counts ng illegal detention at 2 counts ng child abuse.



Unang hinuli ang suspek at ang kaniyang live-in partner noong Nobyembre 2022 nang bugbugin ang 8-anyos na pamangkin at ito ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. Nahaharap ang suspek sa kasong murder at child abuse.

‘Release for further investigation’ noon ang suspek para sa kasong murder, at nakapagpiyansa para sa kasong child abuse.

Hanggang sa lumabas sa imbestigasyon na nakaranas din ng pagmamaltrato mula sa suspek maging ang dalawang kapatid ng nasawing biktima.

Non-bailable ang kasong serious illegal detention, samantalang P160,000 ang itinakdang piyansa ng korte para sa kasong child abuse.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">