Advertisers

Advertisers

PUGANTENG TSINO, NASABAT SA NAIA

0 162

Advertisers

NASABAT ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang isang puganteng Tsino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong January 5.

Base sa ulat mula kay Dennis Alcedo, hepe ng Border Control and Intelligence Unit ng BI, kinilala ang nasabing Chinese national na si Chen Yiye, 48, na nagtangkang lumipad patungong China via China Southern flight sa NAIA Terminal 1.

Sa inspection ng immigration officer, nakita sa record ni Chen na siya ay kabilang sa blacklist ng BI, isang pugante at may deportation case na ipinalabas noon pang 2017.



Siya ay nasa bansa bilang isang retiree, at iniulat na naaresto noong August 2016 sa Angeles City, Pampanga sa pagtataglay ng 36.58 kg ng Methamphetamine Hydrochloride o Shabu na may tinatayang halaga na umaabot sa P100 million.

Pinuri naman ni BI Commissioner Norman Tansingco ang mga port personnel sa pagkakasabat kay Chen.

“These fugitives have no place in our country,” sabi ni Tansingco.

“Hence he will be deported, and with his name included in our blacklist, he will be barred from returning to the Philippines,” dagdag pa nito.

Si Chen ay dinala sa warden facility ng BI na nasa loob ng Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig habang inaayos ang kanyang deportation. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">