Advertisers

Advertisers

Mayor Honey: Diskwento sa magbabayad ng RPT on/before Jan. 31

0 160

Advertisers

HINIMOK ni Manila Mayor Honey Lacuna ang lahat ng property owners sa Manila na samantalahin ang diskwento kapag nagbayad sila ng kanilang Real Property Tax bago o eksaktong January 31, 2023.

Inatasan ni Lacuna si City Treasurer Jasmin Talegon na magbigay ng 10 % discount sa babayarang Real Property Tax para sa magbabayad ng kanilang buwis sa aria-arian nang walang pagkakautang.

Ayon kay Talegon, ang 10 % discount ay ibibigay sa mga magbabayad ng kanilang buwis mula January 1 hanggang 31 lamang at mula naman February 1 hanggang March 31 ay wala ng diskwento at penalty para sa magbabayad ng kanilang real property taxes.



Sinabi ng alkalde na maaaring magbayad sa City Treasurer’s Office o via Go Manila app at www.cityofmanila.ph.

Muli ay hinikayat ng lady mayor ang mga real property owners sa lungsod na magbayad online dahil ito ay mas madali at magkasama ng makukuha dito ang e-statement of account (SOA) at e-receipt.

Sinabi pa ni Lacuna na sa pamamagitan ng online system ay maari ng gumamit ng cellphone, Ipad o computer para mag-apply ng RPT at sa paggamit ng app, isang click lang ang kailangan para magbayad at ang kaukulang resibo ay agad ding ii-issue.

Sa manual payment, sinabi ni Lacuna ang mga kakaharapin tulad ng pagpunta sa Manila City Hall, pagtatanong kung saan magbabayad ng RPT at pagpila para makuha ang SOA at panibagong pila para magbayad.

“Ito po ang iniiwasan natin kaya ine-encourage natin ang ating mga kababayan na gusto nang magbayad ng RPT to go online kasi ang kagandahan ng online, may binibigay nang e-SOA at e-receipt.,” sabi nito.



“Once you have entered the Go Manila app, go to RPT payment where you will enter your tax declaration number and property identification number, from which your SOA will appear and then, you can choose whether to pay quarterly or yearly”, paliwanag ni Lacuna.

Sinabi pa ni Lacuna na maaaring makapamili ng paraan ng pagbabayad ang taxpayer at ito ay sa pamamagitan ng money transfer, bank o GCash at pagkatapos ay ii-issue na ang e-OR o e-receipt. (ANDI GARCIA)