Advertisers

Advertisers

Vendors ligpit-paninda bago magpista ng Poong Itim na Nazareno

0 118

Advertisers

ILANG araw bago ang Kapistahan ng Quiapo o ng Poong Itim na Nazareno sa Enero 9, kanya-kanya nang ligpitan ang vendors ng kanilang mga paninda.

Una nang nag-abiso ang pamunuan ng Simbahan ng Quiapo sa vendors na bawal muna silang magtinda sa paligid ng Quiapo simula Enero 6.

Tuloy-tuloy naman ang pag-iikot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) para paalalahanan ang vendors hinggil sa pagtitinda hanggang sa matapos ang pista.



Ilang vendors ang nagsabi na mas mainam nang ligpitin at ilagay sa bodega ang kanilang paninda kaysa kumpiskahin ang kanilang hanapbuhay.

Paliwanag ng mga vendor, pagpapakita na daw nila ito ng respeto sa mga tauhan ng MPD, Manila LGU at pamunuan ng Simbahan ng Quiapo bilang paghahanda nila sa nalalapit na okasyon. (Jocelyn Domenden)