Advertisers
ARESTADO ang isa sa mga most wanted ng Antique sa Quezon City sa kasong panggagahasa sa dalawang anak.
Sa ulat, tatlong taon nagtago ang 46- anyos na suspek bago naaresto sa Payatas Road sa bisa ng warrant of arrest para sa 3 counts ng ‘qualified rape’.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roldante Sarmiento, hepe ng Payatas Bagong Silangan Police Station, nagtatrabaho bilang truck helper ang suspek.
Ayon sa pulisya, edad 14 at 15 anyos ang magkapatid nang gahasain ng kanilang ama.
Aminado naman sa krimen ang ama, na No. 6 Most Wanted Person ng Antique.
“Nagawa ko lang iyon kasi lasing ako,” sabi ng ama.
Dagdag pa niya, para raw pinasukan ng masamang espirito ang ulo niya kaya niya nagawa ang panghahalay sa sariling mga anak.