Advertisers

Advertisers

Pulis nanutok ng baril sa kasalan, kulong

0 194

Advertisers

SWAK sa kulungna ang isang pulis nang manutok ng baril sa isang kasalan sa P-1, Barangay Bañadero, Daraga, Albay.

Kinilala ang pulis na si SSgt. Aldin Regorgo, nakatalaga sa Provincial Intelligence Unit ng Albay PPO.

Ayon sa report, 2:30 ng hapon nagtungo sa Daraga MPS ang barangay kagawad na si Arnel Nidua at Randy Llorando Sevilla upang i-report ang nasabing insidente.



Sa pagresponde ng pulisya, naabutan si Regorgo na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin. Itinutok umano nito ang kanyang baril sa mga bisita sa kasal.

Nabatid na pinsan ni Regorgo ang ikakasal.

Inaresto si Regorgo at kinumpiska ang kanyang mga baril, Canic 9mm pistol at Galil. Nakakita ang mga pulis ng basyo ng mga bala ng 9mm at caliber 5.56.

Nakakulong si Regorgo sa Daraga MPS. Mahaharap ito sa mga kaukulang kasong kriminal at administratibo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">