Advertisers
BABALIK sa ibabaw ng ruwedang parisukat ang Filipino boxing icon at dating Senador Manny Pacquiao ngayong 2023, matapos pumirma ng kontrata sa Rizin Fighting Federation ng Japan.
Kinumporma ito mismo ni Pacquiao sa kanyang pagdalo sa Rizin’s New Year’s Eve card sa Saitama Super Arena.
“I have agreed with Rizin to fight next year, the date will soon be announced, and also my opponent that Rizin will choose,” sabi ni Pacquiao, na umakyat sa ring kasama si Rizin president Nobuyuki Sakakibara.
Hindi lang sinabi ni Pacquiao kung ang laban niya ay opisyal o isang exhibition lamang, pero isiniwalat niyang siya’y “open and excited to fight a Japanese fighter.”
Ang 44-anyos na Pacquiao ay nagretiro sa boxing bago ang May 2022 national elections, kungsaan tumakbo siyang presidente pero pumangatlo lamang sa halalan.
Huling lumaban si Pacquiao noong August 2021 sa Las Vegas laban kay Yordenis Ugas pero natalo siya via unanious decision.
Bago matapos ang taon 2022, December 11, bumalik si Pacquiao sa ring pero sa isang exhibition match kontra Korean YouTuber at mixed martial artist DK Yoo, at nanalo ng unanimous decision sa six-round match.
Ang Rizin ang kompanyang nag-promote ng dalawang exhibition matches ng American star Floyd Mayweather, kabilang ang knockout win laban sa Japanese MMA fighter Mikuru Asakura noong September. Pinanood ni Pacquiao sa arena ang Mayweather-Asakura bout.