Advertisers
NAPANALUNAN ng isang masuwerteng mananaya ang P19.5 milyon jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi.
Nakuha ng naturang mananaya ang winning combination ng Mega Lotto na 04-26-38-15-34-17.
Ayon sa PCSO, nabili ang winning ticket sa isang outlet sa Merville, Parañaque City.
Samantala, nagsagawa rin ng draw para sa 6/55 Grand Lotto nitong Lunes ngunit walang nakatama sa winning combination nito na 30-33-54-43-41-32.
Aabot na sa mahigit P123 milyon ang premyo ng nasabing palaro.
Nitong Biyernes lamang, 2 manlalaro ng 6/58 Ultra Lotto ang naghati sa P521,275,111.60 na jackpot prize nito.