Advertisers

Advertisers

Napakaraming holidays masama sa ekonomiya

0 140

Advertisers

PANSIN ko lang… napakaraming holidays na sa ating bansa. Napakaraming long vacation. Hindi ito maganda sa ekonomiya ng bansa.

Mantakin mo, bakasyon na, dagdagan pa ang bakasyon. Tulad halimbawa nitong Pasko na nataon ng araw ng Linggo. Kinabukasan, Lunes, dineklarang holiday. Ganun din ang nangyari sa unang araw ng 2023, wala ring pasok ang Lunes.

Ang katuwiran ni Presidente Bongbong Marcos, Jr., ay upang bigyan ng oras ang mga umuwi ng mga probinsiya pabalik sa Metro Manila.



Bago pa ito, ilang long weekends ang nangyari sa nakalipas na 2022. Napakasama ng epekto nito sa ekonomiya ng bansa. Mantakin mo tuloy ang suweldo ng mga regular na trabahador, habang sarado ang negosyo. Aba’y hindi tayo uunlad sa kanitong sistema, Mr. President.

Oo! Dapat pag-isipan ng economic managers ng administrasyon ito. Bawasan na ang holidays! Baon na nga sa utang ang Pilipinas, tapos puros holidays pa. Animal!!!

***

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang naka-post sa social media na usapan nina Pangulong Bongbong Marcos, Jr., at Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio tungkol sa kanilang New Year’s Resolution kungsaan ay magkahawak kamay pa sila.

Sabi ni VP Sara: “Matulog ng mas mahabang oras, paabutin ng 8 hours ‘yung tulog, huwag lang 5 hours.”



Say naman ni PBBM: “Halos ganoon din, kagaya kay Inday. Talagang kailangan, matuto ako na magpahinga dahil nagkaksakit na, ‘di na dapat mangyari ‘yun. Even more personal level. I would like to spend more time with my family, ‘di na kami nagkikita. Nami-miss ko na sila.”

React ng veteran tabloid columnist na si Pabs Hernandez: “Kahit matulog kayo nang matulog bilyones naman intel funds nyo, sarap buhay.”

Noong si former President Rody Duterte, ama ni VP Sara, ay panay ang tulog, bihira magpakita sa publiko, bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas, nabaon sa P13 trilyong utang. Ibig sabihin nito, hindi maganda sa lider ng bansa ang tutulog-tulog!

Ang VP puede matulog ng mahaba. Kasi spare tire lang naman ito. Ang trabaho lang nito ay maghintay na may mangyaring masama sa Presidente para siyang papalit!

Pero kapag ang Presidente tulad ni BBM ay matulog ng mahaba, tulad ng advice ni VP Sara, aba’y sa kangkungan pupulutin ang Pilipinas. Mismo!

***

Tiyak maraming ulo ang gugulong sa matinding aberya na nangyari sa Ninoy Aquino International Airport nitong unang mga araw ng 2023.

Daang daang flights, domestic at international, ang nakansela dahil nasira raw ang Air Traffic Management System, tapos wala itong backup gayung pinondohan pala ito ng bilyones noong Duterte administration.

Sabi ng dating opisyal ng Air Transportation Office (ATO), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ngayon, ang pondo raw kasi na para sa navigation communication system backup ay ginamit sa “Build Build Build”, may nagsabi pang ginamit sa Covid-19. May mga kumita!

Dahil dito, ipatatawag ng Kongreso ang mga opisyal ng CAAP at DoTr sa nangyaring ito. Katiwalian na naman to!