Advertisers

Advertisers

AKALA KO SA PELIKULA LANG

0 206

Advertisers

KAGULO ang inabot ng mga kababayan natin nitong nakalipas na unang araw ng 2023 doon sa mga paliparan maging ang ibang pasahero mula sa ibang bansa dahil sa pagkawala [raw] ng kuryente.

Hindi nawalan ng kuryente ang paliparan kundi yung mga opisina o mga kagamitan nito na nagpapatakbo ng sistemang panghimpapawid na nagdulot ng pagkansela ng maraming biyahe ng mga eroplano.

Pero hindi lang ganoon iyon. Hindi lang basta nawalan ng kuryente ang mga kagamitan kaya hindi nakabiyahe ang maraming eroplano kundi tila pelikula na nawala sa ‘radar’ ng buong mundo ang bansang Pinas.



Medyo buenas pa tayo dahil walang nangyaring aksidente sa mga paliparan o eroplano nang mawala ang itinuturing na ‘kalsada sa himpapawid’ na nagmistulang bulag ang mga piloto habang nasa loob ng Pinas.

Marami tuloy ang nagtatanong, marami tuloy ang nagulat… puwede pala mangyari ang ganoong insidente sa panahon na ito kung saan masasabing ‘high tech’ na ang sistemang panghimpapawid sa buong mundo.

May iba riyan na inakalang may sabotahe o sinadya ang insidente tulad ng mga napapanood natin sa pelikula na bigla na lamang nawawalan ng kuryente ang kanilang mga kagamitan.

Marahil kung iisipin natin ang naging pakiramdam ng mga taong nasa likod ng mga ‘computer o radar system’ nang biglang huminto ang lahat ng kanilang ginagamit. Inakala siguro na mayroon nang tinatawag na ‘cyber terrorist attack’.

Subalit malinaw ang ipinakita sa insidente na ito na malaki ang posibilidad na mangyari muli ang ganitong insidente dahil lumalabas na mahina at kupas na ang teknolohiyang ginagamit ng Pinas.



Dapat ay magsilbi itong isang paalala sa gobyerno patungkol sa pagbibigay ng sapat na atensiyon para sa ating teknolohiya lalo ngayon na nais ng ating Pangulo na ipatupad ang tinatawag na ‘digitalization’ sa buong bansa.

Sana sa insidenteng ito ay itigil na muna ang sisihan. Dapat ay ibaling ang atensiyon sa agarang solusyon upang hindi na muli mangyari ito dahil mantakin naman ninyo na pansamantalang nawala sa mapa ng mundo ang ating Inang Bayan. Arraguy.

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com