Advertisers

Advertisers

2 patay, 7 sugatan sa araro ng van

0 191

Advertisers

NAGING trahedya ang masaya sanang pagdiriwang ng Bagong Taon nang araruhin ng isang wing van truck ang isang residential area na nagpa-party sa pagsalubong ng 2023, na ikinasawi ng dalawa at ikinasugat ng pitong iba pa sa Tacloban City.

Sa ulat, 5:05 ng hapon ng Enero 1, binabaybay ng truck ang kurbadang bahagi ng Tacloban Bypass Road sa Barangay 110 Utap nang mawalan umano ng kontrol sa sasakyan ang driver.

Bumangga ang trak sa dalawang bahay kungsaan siyam na tao ang nagdiriwang ng bagong taon.
Nasawi sina Laica Encomio at Rhemy Cuizon, parehong 23 anyos, nang mapitpit sa ilalim ng sasakyan.



Nasa kustodiya na ngayon ng Tacloban City Police Office ang driver.

Kakasuhan ang driver ng multiple counts ng homicide, physical injury, at damage to property.