Advertisers
NATAGPUANG bangkay ang dalawang lalaki nang malunod ang mga ito sa dagat sa Barangay Calayo Batangas noong Martes ng hapon, Disyembre 27.
Kinilala ang mga biktima na sina Mark Aldrin Siringan, 20 anyos, college student, ng Veteran’s Village, Pasong Tamo, Quezon City; at Marvin Sid-ay, 23, ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
Natagpuan ng mga residente na nakalubog sa baybaying dagat ang bangkay ng dalawang lalaki at iniulat ng Nasugbu Municipal Disaster Risk Reduction Management Office sa pulisya.
Sa pagsisiyasat, Disyembre 26 ala-1:00 ng hapon, kasama ng mga nasawi ang mga kaibigan na sina Christine Fernandez, Charlie Lipura at Andrea De Guzman na patungo sa Tatay Narsing Beach Resort para sa kanilang outing at habang nasa kalagitnaan ng kasiyahan napansin ng mga kaibigan ng biktima na wala sa kabilang umpukan ang dalawa 4:00 ng hapon. Kaya iniulat nila sa opisyal ng barangay ang pagkawala ng kanilang dalawang kasamahan.