Advertisers
Tuwing ika- 25 ng Disyembre ang petsa ng kapanganakan ni Nino Jesus,ang “Dakilang Manunubos” (Saviour), batay sa ITINAKDA ng Iglesia Romana na nakasulat sa Catholic Encyclopedia.
Ito rin ang araw o petsa kung saan ipinagdiriwang ng sanglibutan ang Kapaskuhan o Christmas Day.
Sa napakahabang panahong ginagawa ito ng mga Romano Katolikong gaya natin, tila may malaking kuwestiyon patungkol sa kung tama nga ba ang selebrasyong ipinagdiriwang tuwing ika- 25 ng Disyembre?
Kung nararapat nga bang ipagpatuloy na tanggapanin ang nakasanayang tradisyon kahit pa nga mayroong lambong ng pagdududa sa authencity ng petsa ng kapanganakan ni Hesus Kristo?
Malinaw kasi sa nakasaad sa kasulatang ginawa taong 330 AD sa Roma na idinideklara ang kaarawan ni Kristo para gunitain tuwing ika- 25 ng Disyembre bagamat inamin ng pamunuan ng Romana Katoliko ng ” unknown” sa lahat ang eksaktong kapanganakan ng bugtong na ANAK ng Diyos.
Kung di batid o tiyak ang petsa ng birthdate nito, sadyang may malaking mali sa ipinamulat sa ating tradisyon ng simbahan.
Kaya naman pala walang tinaguriang Pasko ang Iglesia Ni Cristo (INC).
Di po natin tinatalakay ang isyung ito para lituhin o kalabanin ang pinaniniwalaan ng ating misyong religion kundi bagkus bigyang- laya ang isang katotohanan patungkol sa tradisyon at kasaysayan.
At dahil holiday season pa rin, di rin natin layon o hangaring maging kontrabida sa kabuuan ng Christian world o ng Romano Katoliko.
Ang atin lamang ay pagbabahagi ng isang
KATOHANAN para lalo sa mga kabataang nasa punto ng pagpili ng kanilang aanibang relihiyong maliban sa relihiyong kinamulatan at ipinagkaloob sa kanila ng kanilang mga magulang.
Kalakip po sa ating kalayaang mga Pilipino ang karapatang maminili ng relihiyong ( FREEDOM OF RELIGION) na nakasaad sa ating Saligang Batas.
Again dear readers,pagbabahagi lamang po ito ng isang punto de vista ng isang manunulat na gaya natin para sa laying talakayin ang isang legit na issue at walang intensiton o siraan ang isang grupo o mga indibidwal.
Muli,isang Maligayang Pasko po sa ating lahat at kalakip nito ang isang masaganang bukas para sa nalalapit na Bagong Taon.
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com