Advertisers

Advertisers

PAALALA NG MERALCO… MAGING ALERTO!

0 1,169

Advertisers

Halos lahat ngayon ay abala sa iba’t ibang mga selebrasyon partikular na ang pagsalubong sa bagong taon.., subalit may paalala ang MANILA ELECTRIC CO. (MERALCO) na maging ALERTO ang lahat upang huwag makalikha ng disgrasya o maging abo ang mga naipundar sa buhay dahil lamang sa pagkakaroon ng sunog mula sa epekto ng iba’t ibang FIRECRACKERS.

Mahigpit ang pagpapaalala ni MERALCO VICE PRESIDENT AND HEAD 9F CORPORATE COMMUNICATIONS JOE ZALDARIAGA na maging maingat ang publiko sa paggamit ng mga paputok, party props tulad ng mga balloon at confetti o mas mainam na iwasan ang mga ganitong pamamaraan kung ang lugar ninyo ay kalapit ng power lines.

“We advise the public not to play with firecrackers and pyrotechnics near electric lines and transformers as these may cause power interruptions and even result in accidents,” pahayag ni Zaldarriaga.



Sana matuto ang lahat sa mga nagdaang taon na dahil sa walang ingat na paggamit ng mga FIRECRACKER o iba’t ibang uri ng mga paputok ay marami ang nagdusa.., dahil marami na ang mga pangyayaring nagkasunog at unang araw ng bagong taon ay paghihinagpis ang kinasapitan ng mga magkakapitbahay dahil ang kanilang mga tahanan ay naging abo at mayroon pang mga nasasawi sa sunog.

Bunsod nito, ang MERALCO ay 24/7 umanong nakamonitor ang kanilang mga empleyado para sa agarang pagseserbisyo at pagtugon sa anumang pangangailangan ng kanilang mga customer.

“Our Call Center is ready to respond to customers’ needs at any given time even during the holidays,” pahayag ni Zaldarriaga, na aniya ay maaaring tumawag ang mga customer sa hotline ng Meralco na 16211 at maaari ring mag-message sa Meralcosocial media pages sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at Twitter (@meralco), o magtext sa 0920-9716211 or 0917-5516211 para sa anumang pangangailangan.

Sabagay, hindi lamang mga MERALCO EMPLOYEE ang atentibo sa mga ganitong pagkakataon dahil maging ang BUREAU OF FIRE PROTECTION (BFP) at ang PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) ay laging nakaalerto para sa biglaang responde.., kaya naman, ang ARYA MESSAGE ay pinakamahalaga ang pag-iingat sa lahat ng pagkakataon HAPPY HOLIDAY mga ka-ARYA!

— 000 —



COMMEMORATIVE LICENSE PLATES BAWAL!

Mahigpit na pinaaalalahanan ng LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) ang publiko na ipinagbabawal ang paggamit ng anumang uri ng COMMEMORATIVE LICENSE PLATE.

“LTO has not recommended any form of commemorative license plates in either private or public vehicles, and encouraged the public to remove them if they are still using it. The unauthorized commemorative plates, should no longer be displayed in any motor vehicle,” paggigiit ni LTO CHIEF ASSISTANT SECRETARY JOSE ARTURO “JAY ART” TUGADE.

Sa ilalim ng DOTC Joint Administrative Circular No. 2014-01, ang mga sasakyang may unauthorized license plate ay may multang P5,000 at pagkakumpiska.

Mga ka-ARYA.., marami kasing mga may sasakyan ang gumagamit ng COMMEMORATIVE LICENSE PLATE na ang layon ay para pangilagan sila ng mga pobre nating traffic enforcers., na qng sistemang iyan ay tinatapos na ni ASEC. TUGADE.

“Commemorative license plates are those whose use is limited to the observance and/or commemoration of events that bear national significance, and with a validity of only one year as approved by the Department of Transportation (DOTr),” pagpupunto ni ASEC. TUGADE.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.