Advertisers
Ni JOVI LLOZA
NAGLABAS ng pagkadismaya ang comedian na si Dennis Padilla nang makita ang bill na kinainan nila ng kaibigang balikbayan.
Ipinakita pa nito kung saang resto sila kumain ng kaibigan, sa Aling Maria Seaside.
Ibinahagi din nito ang inis nang malaman ang bill.
Ang mango shake ay talaga namang masa-shock ka sa price na tila di makatuwiran, P450.
Dagdag pa ang kilo ng lobsters na P5,500 ang kabuuan na ang total bill ay umabot sa P38K.
Sanay naman daw sila magbayad ng mahal pero sa resto na ‘yun ay mukhang grabe ang taas ng presyo.
Ang kilo ng lobsters ay may mahal pa nga raw sa gramo ng ginto.
Kaya humakot ng katakut-takot na negatibong komento ang nasabing resto.
Naglabas naman ng saloobin si Dennis if ever na magpunta sa resto na ‘yan ay magtanong muna raw lalo na at maraming pauwing balikbayan ngayong Holiday season.
Nahihiya naman siya sa kanyang balikbayang kaibigan at feeling niya ay naholdap dahil ito ang nagbayad ng kanilang bill.
***
Ice Seguerra di pa rin tanggap ang pagkawala ng alagang aso
TILL now ay hindi pa nga tanggap ni Ice Seguerra ang pagkawala ng paborito nitong hayop.
Never naman nito makalilimutan si Choppy na ilang Pasko at Bagong Taon din nila nakasama.
Grabeng lungkot naman ng singer actor director na si Ice sa post sa kanyang IG account December 14 ay nagdadalamhati ang dating Little Miss Philippines.
Sad dahil sa pagkamatay ng kanyang aso na si Choppy.
Sa paglalahad ni Ice ay ibinahagi nito ang sanhi ng pagkamatay ng kanyang si Chop at na- hit and run nga ang kanyang pet.
Kaya naman ishinare nito sa kanyang socmed account ang mga larawan na magkasama sila ni Choppy.
Nagbalik alaala sa kanya ang unang aso na pug na si Porky na namatay nung January.
Maraming celebrities ang napakomento at nakidalamhati sa post ni Ice, sina Martin Nievera, Jed Madela, Gary V, Neri Miranda atbpa.
R.I.P Choppy! Well, well, well…Yun na!