Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
KUNG pagbabatayan ang ulat ng Google na ang athlete-model na si Ricci Rivero ang most searched male personality in the Philippines sa taong 2022, masasabing nangabog talaga ang boyfriend ni Andrea Brillantes.
Patunay lamang na malakas ang kanyang sex appeal at maraming girls, boys at maging gays ang interesado sa kanya.
Akalain mong pati ang Hollywood actor na si Johnny Depp ay niligwak niya dahil nag-settle lang ito sa number 2.
Ni wala ngang ibang Pinoy na pumasok sa top 10 sa most searched male personalities maliban kay Ricci.
Hirit tuloy ng kibitzers, kinabog daw ni Ricci sina Joshua Garcia, Daniel Padilla, Alden Richards at Donny Pangilinan.
Sey tuloy ng mga mahadera, mas makalaglag-panty daw kasi si Ricci kumpara kay Joshua kahit pa may mga naeelya sa TikTok video ng huli na umani na ng million views.
May mga malisyosa namang nang-uurot na hindi raw kaya na-curious ang mga maricon sa delicious na pa-‘jingle bells’ ng basketball player sa kanyang jersey shorts na malakas naman ang sex appeal.
Sa listahan ng most searched male personalities of 2022, kasama rin sa listahan sina Park Solomon, Tyler Poarch, Juancho Hernangomez, Ahn Hyo-seop, Jordan Clarkson, Andrew Garfield at Adam Levine.
Nasa number 5 naman ang Hollywood comedian na si Chris Rock na naging kontrobersyal noong Oscars dahil sa pananapak na ginawa sa kanya ni Will Smith.
***
Sa top ten most search movies naman ay pasok ang Encanto, Incantation, Eternals, Purple Hearts, Thor: Love and Thunder, Doctor Strange in the Multiverse of Madness, Turning Red, Black Adam, More Than Blue at Spider-Man: No Way Home.
Most searched sa TV series/shows category naman ang All of Us Are Dead, Extraordinary Attorney Woo, Business Proposal, Alchemy of Souls, Euphoria, Twenty-Five Twenty-One, Big Mouth, Manifest, Our Beloved Summer at The Summer I Turned Pretty.