Advertisers
INAASAHAN umanong sa unang linggo ng taong 2023 ilalabas ng korte ang desisyon sa kasong may kinalaman sa droga laban sa anak ni Department of Justice (DoJ) Sec. Jesus Crispin Boying Remulla na si Juanito Remulla.
Sinabi ito ng kanyang abogadong si Christopher “Kit” Belmonte.
Ito ay kasunod na rin ng pagtapos ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 197 ang pagdinig sa kaso ni Remulla.
Una rito ay nagpasok ng not guilty plea si Remulla laban sa mga kasong isinampa sa kanya.
Humaharap din ang nakababatang Remulla ng reklamong may kaugnayan sa importation ng dangerous drugs at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act sa Pasay City Prosecutor’s Office.
Si Remulla ay naaresto sa isinagawang controlled delivery operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa Barangay Talon Dos, Las Piñas noong October 11.