Advertisers

Advertisers

Angel Guardian may ibinuga sa pisikalan sa Running Man PH

0 191

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ABANGAN ang natatanging pagganap nina Gabby Eigenmann, Mylene Dizon at Marco Masa sa bago at special Christmas episode ng ‘#MPK.’
Ang mga beteranong aktor na sina Gabby at Mylene, pati na ang rising young actor na si Marco ang bibida sa bagong episode at Christmas special ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanma.Bibigyang-buhay nila ang kuwento ng isang pamilyang Pilipino sa Canada na masusubukan ang tatag dahil sa isang karamdaman.
Si Gabby ay si Pol habang si Mylene naman ang asawa niyang si Daisy. Haharap sila sa matinding pagsubok nang biglang magkasakit ang kanilang anak na si Matthew, karakter ni Marco.
Hindi maipaliwanag ng mga doktor ang misteryosong sakit ni Matthew kaya walang magawa ang mag-asawa kundi magdasal at maghintay.
Mabibiyayaan ba sila ng isang himala lalo na at malapit na ang Pasko?
Huwag palampasin ang brand new episode na “Agaw-Buhay, A Christmas Miracle: The Madrid Family Story,” sa December 24, sa pinaagang special holiday timeslot na 7:45 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
***
MARAMING fans ng Sparkle singer-actress na si Angel Guardian ang nagsabi na “dark horse” siya ng Season 1 ng Running Man Philippines.
At talagang pinatunayan ni “Astig Princess” na may ibubuga siya sa mission kahit pisikalan pa ito.
Sa Kapuso web exclusive video ng Ultimate Runner, umamin ito na may malaking pressure sa kanya nung umpisa, lalo na’t ni minsan ay hindi siya nag-compete in any sports.
Paliwanag ni Angel, “Sa mga missions namin, kasi pati ako nagugulat sa sarili ko at natutuwa ako, alam mo ‘yun. Kasi nung umpisa, grabe ‘yung pressure sa akin.
“Kasi wala naman ako sports talaga, wala akong sports. Never ko na-try mag-compete, ganyan. So recently ko lang nalaman, ‘Uy! Kaya ko pala ‘yun,’ so ‘yun na-amaze din ako sa sarili ko, natutuwa ako [gives herself a pat on the back]. Proud of you!”
Masasabi rin ng Kapuso actress na madami siya first na nagawa through Running Man Philippines.
Aniya “’Yung mga missions namin. Kasi ‘yung mga missions naman namin never ko naman nagawa ‘yun, first time ko nagawa ‘yun. Ang dami nga no, ang dami ko palang nagawa na first time ko lang nagawa.”
Natapos man ang RMH ay patuloy pa ring napapanood si Angel sa Mano Po Legacy: The Flower Sisters.