Advertisers

Advertisers

PARAMDAM NG MULTO ESTE… COMELEC PALA

0 250

Advertisers

ISANG nanalong gobernador na naman ang pinatanggal sa kanyang trono ng makapangyarihang Commission of Elections (COMELEC) kapag isyu sa halalan na ang pinag-uusapan.

Ito ang balita mula sa nasabing ahensiya sa kabila nang kamakailan lamang ay matagumpay na naipatupad ang pagpapatanggal sa gobernador dahil sa isyu ng hindi umano wastong paggastos noong panahon ng kampanyahan.

Matindi ang paramdam na ito sa taumbayan lalo na sa mga politiko na mayroong kinakaharap na reklamo o kaso sa naturang ahensiya kaya natitiyak kong magpaparamdam din ang mga politikong ito sa COMELEC, ngayon pa lang.



Hindi biro ang tibay ng loob na ginagawa ng COMELEC upang masabi natin na ginagampanan nila ang kanilang mandato para sa isang malinis, parehas, payapa at may kredibilidad na resulta ng eleksiyon.

Yung naunang gobernador na tinanggal ay pihadong matatagalan ang kanilang apela sa Korte Suprema kaya puwede na muna huminga ng malalim ang pumalit sa kanyang trono.

Pero itong pinakahuli na gobernador na pinatanggal ay desisyon pa lang ng isang dibisyon sa COMELEC na may pag-asa pang mabaliktad sa tinatawag natin na ‘EN BANC’ nito kaya medyo may kilos pa ito.

Subalit kapag en banc na ng COMELEC ang nagsabing sibak sa kanyang trono ang gobernador na iyon ay siguradong takbo na ang kampo nito sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatupad nito.

Pareho lang ang isyu ng dalawang gobernador na ito na patungkol sa paggastos noong panahon ng kampanyahan na mahigpit na ipinababawal ng batas na ginagamit ng COMELEC para sa kanilang gabay sa pagtupad ng kanilang mandato.



Eto na ngayon, taumbayan… natitiyak kong may mga talunan noong nakalipas na halalan ang gagaya sa estilo ng reklamong inihain laban sa dalawang gobernador na iyon dahil alam naman natin ang pagiging utak-talangka ng marami riyan.

Mahirap patunayan o ipanalo sa COMELEC ang reklamong ‘vote-buying’ pero sa isyu ng paggastos noong panahon ng halalan o kampanyahan na mahigpit na ipinagbabawal ay doon nagkasibakan sa trono. Gayahin na…

***

Para sa komento o suhestiyon: eksperto1971@gmail.com