Advertisers

Advertisers

Istasyon ng pulis, grinanada

0 153

Advertisers

Binulabog ng pagsabog ang isang bayan sa probinsya ng Carmen, Cotabato 6:05 nitong gabi ng Huwebes.

Ayon sa ulat ng Carmen PNP na dalawang hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo ang naghagis ng granada sa kanilang himpilan sa Barangay Poblacion Carmen Cotabato.

Agad namang tumakas ang mga suspek at hindi na inabutan ng habulin ng alert team ng Carmen MPS.
Walang nasugatan sa pagsabog ngunit nagdulot ito ng takot sa mga residente ng bayan.



Bago ang insidente, nagsasagawa ang Carmen MPS ng police security service sa isang simbahan nang makarinig sila ng pagsabog mula sa kanilang himpilan.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Carmen PNP sa naturang pangyayari.