Advertisers
TODAS ang isang dating pulis nang pagbabarilin sa Calamba City, Laguna.
Nakilala ang biktima na si Leo James Garcia Agpalo, dating miyembro ng Philippine National Police at security officer ng Hunter Security Agency, Inc.
Ayon kay Lt. Colonel Milany Elpeded Martinez, hepe ng Calamba City Police, 6:15 ng gabi nang tambangan si Agpalo sa may Service Road sa Doctora Comp., Silangan St., Barangay Mayapa, Calamba City.
Sakay ang biktima ng kanyang motosiklo nang tapatan ng riding in tandem at pinagbabaril.
Nasawi noon din ang biktima sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan. Kaagad namang tumakas ang mga salarin.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon sa krimen ng mga otoridad. (Mark Obleada)