Advertisers

Advertisers

CONG ATAYDE PABOR SA MAHARLIKA INVESTMENT FUND PERO…

0 186

Advertisers

QCD1 Rep. Arjo Atayde supurtado ang pagtatag ng mga safeguards upang maiwasan ang kurapsyon sa Maharlika Investment Fund

SINABI ng Quezon City District 1 (QCD1) Representative na si Juan Carlos “Arjo” Atayde, nuong Huwebes na susuportahan niya ang panukalang magdagdag ng karagdagang safeguards sa pagpapatakbo ng Maharlika Investment Fund (MIF) upang maiwasan ang kurapsyon at para masigurong makikinabang ang bayan sa pondo.

Ayon sa solon, “the amendments already adopted by the House of Representatives in the ongoing deliberations of House Bill (HB) 6608 or the Maharlika Investment Fund Act are proof that we in Congress are serious about making the MIF as corruption-free and as risk-free as possible.”



Tinutukoy ng mambabatas ang katatapos lamang na pag-amyenda sa HB 6608 na kakapahayag lamang, kasama na dito ang desisyon na huwag gawing bahagi ang Government Service Insurance System at Social Security System bilang funding sources para sa MIF.

Sa ilalim ng amended bill, ang mga nagaambag sa pondo ay ang Development Bank of the Philippines, Land Bank of the Philippines, Bangko Sentral Ng Pilipinas, at Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Sinabi din ni Atayde na siya at iba pang miyembro ng Kongreso “ay patuloy na pagaaralan ito upang masigurong ma-poprotektahan ang MIF sa mga irregularities at kwestiyunableng mga investments.”

“This is just to be fair to all those who have questions and concerns regarding the fund that need to be addressed. Maaasahan po nila at ng ating kababayan na todo bantay po tayo dito para todo rin ang benepisyo nito para sa taumbayan.”

Ipinaliwanag ni Atayde na ang pagdagdag ng penal provision na magpaparusa sa mga direktor, trustees, o officers ng Maharlika Investment Corporation para sa paglabag ng MIF investment policies at guidelines “ay isa nanamang ehemplo ng mga hakbang na ginagawa ng Kongreso upang ma-protektahan ang mga interes ng aming mga nasasakupan at lahat ng ating mga kababayang Pilipino.”



Sa ilalim ng Section 44 ng bill, ang mga mapapatunayang may sala ay maaarinh multahan ng Php50,000 hanggang Php2M, at maaari ding makulong ng isa hanggang limang taon.

Naglalayon ang HB 6608 na itatag ang MIF, na isang Sovereign Wealth Fund (SWF) na maaaring puhunanan upang patatagin ang national budget, maglikha ng savings para sa mga Pilipino, at isulong ang pagunlad ng ekonomiya.

Sa kasalukuyan, halos 50 mga bansa sa buong mundo ay mayroong SWF, kabilang na dito ang Singapore, China, Hong Kong, South Korea, Malaysia, Indonesia, Taiwan, Vietnam, at East Timor.