Advertisers
Patay ang dalawang katao at apat ang sugatan nang mahulog sa irrigational canal ang sinasakyang Elf, sa Sitio Tuliao, Barangay Calanan, Tabuk City, Kalinga nitong Huwebes.
Sa ulat, mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Tabuk City Police Station, 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company and Tabuk City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at nadatnan nila ang isang Blue Double Cab Elf na nahulog sa canal at agad na-rescue ang mga biktima.
Kinilala ang mga nasawi na sina Jayson Kinto, , 37; at Edwin Capuyan. At ang mga sugatan kinilalang sina Cesar Camtugan, driver; Marlon Kis-ing, 35; Jaymar Badillo, 31; at Daniel Cudal, 57, na pawang naisugod sa Kalinga Provincial Hospital.
Napag-alaman na nagtamo ng severe head injury si si Kinto at namatay habang ginagamot sa ospital.
Ang isa pa nilang kasamahan na si Capuyan, na naiulat nawala nang maganap ang aksidente natagpuang patay sa ‘di kalayuan na pinangyarihan ng aksidente.
Sa imbestigasyon ng Tabuk CPS, ang sinasakyang Blue Double Cab Elf ng mga biktima, paadaan sa Kalinga-Cagayan Road patungo sa karatig-lalawigan ng Barangay Manag, Conner, Apayao, nang nawalan ng kontrol ang drayber habang papaliko sa kalsada at nagtuloy-tuloy ito sa irrigation canal.