Advertisers
NATIMBOG ng mga elemento ng Philippine National Police- Integrerity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang dalawang pulis habang nangingikil sa dalawang katao na inakusahan nilang sangkot sa pagnanakaw ng automated teller machine (ATM) card sa entrapment operation sa Makati City.
Kinilala ang mga inaresto na sina Patrolman Mark Dann Advincula, 32 anyos; at Pat. Mark Joseph Segador, 31, kapwa nakatalaga sa Sub-Station 6 ng Makati City Police Station.
Ayon kay PNP Chief, General Rodoldo Azurin Jr., naaresto ang dalawangng parak ng mga elemento ng IMEG, District Intelligence Division ng Southern Police District (SPD), at Makati City Police Station sa A. Mabini St. Poblacion.
Isinagawa ang entrapment operation base sa reklamo nina Angelica Dacer at Dante Ruanto, kapwa taga- Don Fabian, Quezon City.
Nabatid na nakatanggap ng message si Dacer na iniimbitahan ito sa Makati City Police Station kaugnay ng reklamo ng isang dayuhan kaunay ng nawawalang ATM card at pera na nagkakahala ng P130,000.00.
Nang pumayag si Dacer na makipagkita, sinundo siya ng dalawang pulis sakay sa isang puting saksakyan at dinala sa Makati City Police Sub-station 6 at kinumpiksa ang kanyang IPhone.
Pinuntahan din ng nasabing dalawang pulis ang bahay ni Ruanto sa Quezon City at kinumpiska ang cellphone nito. Dinala ang dalawa sa Brgy. Poblacion at hiningan ng P50,000 kapalit ng kanilang iPhone.
Dahil dito, humingi ng tulong si Dacer sa PNP-IMEG at ikinasa ang entrapment operation.
Narekober ng mga operatiba sa dalawang pulis ang 2 service firearms, P50,000 mark money, ID card at 2 motorcycle keys.
Dinala ang dalawang pulis sa IMEG Office sa Camp Crame at nakatakdang sampahan ng kasong Robbery Extortion at administrative charge. (Mark Obleada)