Advertisers

Advertisers

Dating opisyal ng bayan patay, mister sugatan sa ambush

0 174

Advertisers

NASAWI ang isang dating opisyal ng bayan sa Basilan at sugatan ang mister nito sa pamamaril sa Isabela City, Basilan nitong Martes.

Kinilala ni Colonel Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, ang nasawi na si Melissa Alih, 30 anyos, habang nilapatan ng lunas ang kanyang mister na si Jack, 30, nang tambangan 12:10 ng umaga.

Dating assistant municipal secretary si Melissa sa islang bayan ng Hadji Muhtamad, Basilan.



Ayon kay Verceles, sakay ng motorsiklo ang mag-asawa pauwi sa Barangay Tabuk nang pagbabarilin ng riding tandem na nakabuntot sa kanila sa Barangay Doña Ramona T. Alano.

Dead on arrival sa ospital si Melissa.

Narekober ng mga imbestigador ng pulisya ang apat na basyo ng bala ng .45-caliber pistol sa crime scene.