Advertisers
SUMAKABILANG-BUHAY na ang tanyag na ‘Queen of Kundiman’ ng Pilipinas na si Sylvia La Torre sa edad na 89 anyos.
Ito ay napag-alaman mula sa apo nitong isang American actress at singer na si Anna Maria Perez de Tagle na malungkot na iniulat sa kaniyang social media post.
Aniya, pumanaw na ang kanyang idolong Lola at namayapang nasa tabi ng kanyang asawang namighati.
Inalala ng namighating apo ang idolo nitong lola na inspirasyon niya sa pagkanta at pag-acting at kaniyang unang vocal coach na nagturo ng mga kundiman na awitin.
Gayundin ang pagiging devoted wife, mapagmahal na ina, lola at great-grandmother, mapag-arugang tita at affectionate na kaibigan na kinilala din bilang ‘First Lady’ ng Philippine Television, Queen of Kundiman, tanyag na artista sa pinilakang tabing at Tandang Sora Awardee. (JUN FABON)