Advertisers
KUMAYOD si Killian Hayes ng 8 sa kanyang 22 points sa overtime upang buhatin ang Detroit Pistons laban sa Dallas Mavericks 131- 125,Huwebes Biyernes sa Manila.
Nag dunk ni Christian Woods para itabla ang laro sa 1;35 nalalabi sa overtime, pero agad sinagot ni Hayes ng back-to-back 3-pointers para ilagay ang Pistons sa anim na bentahi 41.6 natitira para ikandado ang panalo.
Pinamunuan ni Bojan Bogdanovic ang opensa ng Pistons sa kinamadang 30 points habang si Marvin Bagley lll nagdagdag ng 19 points at 13 rebounds.
Luka Doncic may 35 points at 10 assists para sa Dallas.Tim HardawayJr.umiskor ng 26 points.
Bibisita ang Mavericks sa New York sa Sabado,habang ang Pistons dadayo sa Memphis Grizzlies sa Linggo.