Advertisers
Dapat maganap na ngayon ang pinakahihintay na big trade sa LA Lakers.
Sa 20 na laro ay halata na hindi balanse ang line-up.Kulang sa shooter at big man ang franchise ng mga Buss.
Kapag tumagal at dumami lalo talo nina LeBron James ay mababalewala ang anumang deal.
Kung kailangan ipamigay ang dalawang first round draft pick sa palitan ay gawin na.
Yun lang naman ang kailangan upang mapapayag ang mga koponan na kapalitan.
Sa tingin ni Tata Selo ang Indiana ang pinaka-ideal na team na maging kausap.
Mapupunta sa Pacers si Russell Westbrook at ang mga pick ng Lakers sa unang round sa 2027 at 2029. Masusungkit naman nina Anthony Davis ang sentro na si Myles Turner at ang 3-point specialist na si Buddy Hield.
Sa salary matching ay may suweldo si Westbrook na $47M kumpara sa total na $39M nina Turner at Hield. Pwede magdagdag ng ikatlong player kung nanainisin ng Indiana at sang-ayunan nina Coach Darvin Ham. Maaari ipackage kay Daniel Theis o kay TJ McDonnell para pumantay na ang kabuuang sahod.
Ito rin tiyak ang wish nina LBJ at AD. Ibig kasi nila na manalo at magkampeon sa season na ito.
Sakaling pumalpak ang gusto ng dalawa nilang star ay may paraan makabawi. Sila naman ang ipagpalit at sigurado mababalik ang mga nawalang draft rights. Dadami pa kamo. Tama GM Rob Pelinka?
Possible ring ihanap ng ibang squad sina Patrick Beverley at Kendrick Nunn na mga disappointment naman. Ang duo ang may pinakamalalaking kita pagkatapos ng kanilang Big Three. Baka sa iba ay bumagay ang kanilang mga game. Sabi nga ni Tatang ay itodo na pag-overhaul ng ineffective roster.
Heto ang latest na tsismis. Na-waive si Matt Ryan na may non-guaranteed contract para mabakante isang slot sa team Ibig bang sabihin ay sa isang Laker ay dalawa ang kapalit? Malakas ang ugong-ugong na sina Turner at Hield na nga ang hahalili
***
May problema daw ang PLDT top honcho sa situation ng coach nila sa TNT. Mangyari si Chot Reyes din ang mentor ng Gilas Pilipinas. Kaso sa isang taon na ang FIBA World Cup na dito pa sa Manila gagawin.
Seryosohan na dapat mula ensayo ang pambansang koponan hanggang sa competition proper.Hindi na pwede na hati ang atensyon ng H.C.ng Tropang Giga.
Simpleng-simple ang solusyon. Magbitiw sa isa niyang coaching assignment ireng si Reyes.
Kung ayaw kung umalis ay tanggalin na yan sa national squad. Kaso malakas kapit eh. Kaya malamang magkakaroon ng bagong bench tactician sa lalong madaling panahon sina Jayson Castro at mga kakampi sa PBA.
***
Nagets na ni Justin Brownlee ang kanyang dual citizenship. Tuwang-tuwa ang Ginebra import na makakalaro na siya para sa adopted country niya.
Kaso hanggang sa FIBA Qualifiers lang siya mapapabilang kasi sa World Championship ang kukuha ng tanging slot ng naturalized citizen ay si Jordan Clarkson. Hindi kasi pasado ang Utah star bilang lokal at pinayagan lang gaya ng status ni Brownlee.