Advertisers
PINAALALAHANAN ng pamunuan ng Simbahan ng Quiapo ang mga deboto na huwag magdala ng life-size replicas o imahe sa gagawing “Walk of Faith” sa Enero 8 .
Ayon kay Alex Irasga, adviser ng Quiapo church, layon ng Simbahan maging maayos at payapa ang prusisyon at may mataas na antas ng debosyon sa Poong Hesus Nazareno.
Inaasahang magsisimula ang prusisyon 2:00 ng madaling araw, na tatagal ng dalawang oras bago makarating at makapasok sa Simbahan.
“We will not allow images that are more than 2 feet, only allowed are replicas that can be carried by hand. We have already contacted the police that there will be checkpoints on the roads entering the Grandstand and Quiapo and all those who are carrying huge images will not be allowed,” ayon kay Irasga
Sinabi naman ni Rugino Sescon Jr., rector ng Minor Basilica ng Black Nazarene, na magkakaroon ng misa hatinggabi pa lamang ng Enero 8 at magtuloy-tuloy na ito hanggang Enero 9.
Hinikayat din ng mga organizer ang mga deboto na sasama sa prusisyon na sumunod parin sa minimum public health standards.
Ang tradisyunal na Traslacion ay tinawag na ‘Nazarene 2023’ ngunit kumpleto parin ang mga elemento sa pagdiriwang maliban na lamang sa nakasanayan na ‘pahalik’ at ‘pasan’.
Sa Pahalik na ngayon ay tinawag nang ‘Pagpupugay’, dapat nakasuot ang mga deboto ng face mask at mag-alcohol bago at pagkatapos humawak sa imahe sa Quirino Grandstand.
Wala naring andas na makikita dahil ang prusisyon ay gagawin nang motorcade.
Maari din umanong dalhin ang mga imahe sa Plaza Miranda kungsaan gagawin ang pagbabasbas sa Dec.27 hanggang 29.
Ang imahe ng Black Nazarene ay dadalhin na sa Quirino Grandstand sa Enero 7, at bago ito ibalik sa Quiapo church sa Enero 9 ay magkakaroon muna ng misa 12:.01 ng hatinggabi na pangunguna-han ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula.(Jocelyn Domenden)