Advertisers

Advertisers

Germany sibak sa FIFA World Cup

0 253

Advertisers

NAGWAKAS na ang kampanya ng Germany sa FIFA World Cup kahit na nagwagi sila kontra sa Costa Rica 4-2 sa Group E games na ginanap sa Al Bayt Stadium.

Ito ay matapos na gulatin ng Japan ang Spain 2-1 para makuha ng Blue Samurai ang unang puwesto at pangalawang puwesto ang Spain.

Unang nakapagtala ng goal si Serge Gnabry para makuha ng ranked 11 na Germany ang kalamangan 1-0 laban sa ranked 31 na Costa Rica.



Pagpasok ng ikalawang bahagi ng laro ay magkasunod na naipasok ng Costa Rican player na sina Yeltsin Tejeda at Juan Pablo Vargas.

Hindi tumigil ang Germany para mahabol ang laban at ilang minuto ay nakapasok ang goal nina Kai Havertz at Niclas Fullkrug.

Ang laro ng Germany at Costa Rica ay naging makasaysayan dahil sa unang pagkakataon na mag-referee ang tatlong babae na sina Stéphanie Frappart, Neuza Back at Karen Diaz.

Stéphanie Frappart, Neuza Back and Karen Diaz will become the first all-female refereeing team in men’s World Cup history when Costa Rica face Germany.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">