Advertisers
SINERMONAN ng isang tatlong taon gulang na babae ang kaniyang ama sa video call nang malamang nasa inuman na naman ito sa Bauan, Batangas.
Sa ulat, sa video ng batang si Driana Heaven Ilagan, mainit ang ulo at todo-sermon ito sa kaniyang amang si Mark Ilagan na nasa inuman ng barkada.
Ayon sa kaniyang ina, natural kay Driana ang pagiging madaldal kahit noong isang taon gulang pa lamang ito.
Nagagalit talaga ang bata sa tuwing nalalamang umiinom ng alak ang kaniyang amang si Mark.