Advertisers
CENTRAL MINDANAO – Isa ang nasawi at dalawa ang nasugatan sa pamamaril nitong gabi ng Huwebes sa Cotabato City.
Kinilala ang binawian ng buhay na si Momar Cabellon Mamalangkay, 24 anyos; habang sugatan sina alyas Hamsa,17; at alyas Mujahid 12, mga residente ng Purok Balabaran Phase 2 Barangay Rosary Heights 10 Cotabato City.
Ayon sa ulat ng Cotabato City PNP na naglalakad si Mamalangkay papauwi na ng kanyang tahanan nang pagbabarilin ng mga hindi kilalang salarin gamit ang kalibre.45 na pistola.
Nagkataon naman na nandoon sa lugar ang dalawang menor de edad na magkabarkada kaya itoy nadamay.
Mabilis tumakas ang mga salarin at hindi na ito naabutan ng mga nagrespondeng pulis.
Naisugod sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) ang mga sugatan ngunit binawian ng buhay si Mamalangkay.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Police Precinct 2 ng Cotabato City Police Office sa pamamaril sa mga biktima.