Advertisers
UMAASA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bababa pa ang presyo ng bigas habang papalapit na ang Christmas season.
Ayon sa Pangulong Marcos, nais daw niyang maging regalo sa Pasko para sa mga Pinoy ang maibaba sa P20 ang presyo ng kada kilo ng bigas.
Dahil dito, papalawakin pa raw nila ang scope ng Kadiwa sa pamamagitan pagsasagawa nito sa local government unit level.
Una rito, sinabi ni Pangulong Marcos na malapit na umanong maabot ng Pilipinas ang kanyang pagnanais na maibaba ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo.
Pero aminado naman ang Pangulong Marcos na marami pa silang dapat gawin para maabot ang kanilang target na maibaba ang presyo ng bigas.
Matatandaang isa sa mga ipinangako ni Pangulong Marcos noong panahon ng kampanya na maibaba sa P20 ang kada kilo ng bigas. (Vanz Fernandez)