Advertisers

Advertisers

Cyberlibel vs abogadong blogger ibinasura ng korte

0 311

Advertisers

HINDI nakitaan ng probable cause ng Laguna Provincial Prosecutor ang reklamong Cyberlibel na isinampa ng kolumnistang si Antonio Contreras laban sa abogado at political blogger na si Jesus Falcis III.

Matatandaan na noong Setyembre, partikular na inaakusahan ni Contreras ang abogado ng paglabag sa “Cybercrime Prevention Act of 2012” kaugnay ng isang political blog noong Enero 24.

Ayon sa complainant, ang naturang blog ni Falcis sa kaniyang “Jesus Falcis Blog” ay “defamatory and derogatory statements.”



Partikular na ipinunto ni Contreras ang bahagi ng blog ni Falcis kungsaan tinawag siya ng abogado na “biased” laban sa noo’y Presidential candidate at Vice President Leni Robredo kasunod ng pagpapakalat umano ng fake news ng kolumnista kaugnay ng isang nakanselang Presidential interview noong Enero.

“And si Contreras, hindi lang biased against VP Leni pero may axe to grind siya. Yung judge na relative nya ay kinasuhan at dinisbar ng Supreme Court dahil may biniktimang batang babae. Tinulungan ni VP Leni yung batang babae habang rineject yung hingi ni Anotonio Contreras ng tulong para sa relative niya na judge. And ever since then, puro fake news at kasinungalingan pino-post ni Contreras tungkol kay VP,” bahagi ng reklamong binigyang-pansin ni Contreras sa blog ng abogado.

Depensa ng abogado sa resolusyon, “there is no imputation of a crime, a vice or defect, or any act which tends to discredit or dishonor or put him in contempt” sa parirala ng kaniyang blog na “rineject yung hingi ni Anotonio Contreras ng tulong para sa relative nya na judge.”

Dagdag ni Falcis, ang mga salitang “paghingi ng tulong” ay hindi rin nagpapalagay ng negatibo o defamatory act laban kay Contreras. Nauna nang iginiit noon ng abogado na isang paraan ng kaniyang pagpapahayag ng freedom of speech ang political blog.

Sa huli, hindi nakitaan ng “malice” ang mga pahayag ni Falcis na anang piskalya ay base lang sa naunang mga pahayag ng Korte Suprema at isang blog noong 2016 laban sa dating hukom na Contreras, at kolumnistang Contreras mismo, ayon sa pagkakasunod-sunod.



Nasa plano naman ng abogado ngayon ang magsampa ng “strongest cases” laban sa ilang bloggers, partikular na mga tagasuporta nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyang Pangulong Bongbong Marcos.