Advertisers

Advertisers

Nawawalang 2-anyos na bata natagpuang bangkay sa kuwarto ng kapitbahay

0 465

Advertisers

NAIULAT na nawawala ang isang 2-anyos batang lalaki nitong Miyerkoles ng hapon na taga-Green Village, Concepcion, Tarlac.

Kinilala ang batang biktima na si Axel Castro ng Barangay Green Village.

Hindi tumigil ang mga kaanak ng bata na hanapin ito. At nitong Huwebes ng umaga, natagpuan ang bata sa loob ng bahay ng kanilang kapitbahay na isa nang bangkay.



Ayon sa pulisya, nakabalot ang katawan ng bata ng kutson sa loob ng bahay ng kanilang kapitbahay na 16-anyos na lalaki.

Sa report, mayroon busal sa bibig, mga sugat at pasa sa katawan ang bangkay ng bata.

“May narinig silang nagkuwento nung mag-ina, ‘yung sabi niya ‘Nanay ‘di ‘ko na kaya.’ Sabi daw noong pumatay. Narinig ng kapatid kong lalaki, biglang pumasok sa bahay tapos nakita sa kuwarto nakahandusay ang bata,” ayon kay Kagawad Rodel Evaristo, tiyuhin ng biktima.

“Nakita na po siya sa isang bahay sa isang kwarto, nasa loob ng cabinet, ikinalulungkot ko pong sabihin na binawian na sya ng buhay,” ayon sa kaanak.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, 2:00 ng hapon nang tawagin ang biktima ng kanyang kapitbahay, pinakitaan ito ng bola kaya nahikayat pumasok sa bahay.



Makalipas ang ilang minuto, gusto nang umuwi ng bata na ikinagalit ng salarin. Dinaganan ng unan ang mukha ng bata hanggang sa malagutan ng hininga.

Nasa kustodiya na ng PNP ang binatilyong salarin.