Advertisers
IBINALIK na ng San Miguel Beer si Terrence Romeo sa kanilang active roster sa unang pagkakataon simula noong Marso.
Ang high-scoring guard ay hindi nakapaglaro para sa Beermen simula sa quarterfinals ng 2021 PBA Governors Cup, kung saan natalo sila sa Meralco Bolts.
Ibinalik siya ng San Miguel sa active roster bago ang final push ng team para sa playoff ng Commissioners Cup. Ang Beermen ay kasalukuyang may 4-5 win-loss rekord sa tournament na may 3 games na lang ang nalalabi sa kanilang schedule.
Ang San Miguel ay nahirapan sa mid-season conference dahil sa injuries.Maliban kay Romeo, six -time Most Valuable Player June Mar Fajardo ay hindi rin nakapaglaro ng seven games dahil sa throat injury na kailangan ang surgery.
Ang big man ay nakasout ng uniporme sa kanilang nakalipas na 2 games pero hindi ipinasok ni head coach Leo Austria.
Ang San Miguel ay sasabak sa aksyon Miyerkules laban sa Terra Firma Dyip sa PhilSports Arena sa Pasig City.