Advertisers
KAPAG kapakanan at safety ng karaniwang mamamayan ang pag-uusapan diyan mo mami-miss ang sistema ni dating Pangulong Digong.
Bago si ex-PRRD, ang komunidad ay naging lunduyan ng mga masasamang elemento sa lipunan na ang mga nabibiktima halos ay masa na napabayaan ng admistrasyon noon at naging mga paboritong target ng mga bigtime maging ismoltaym criminals.
Pero sa panahon ni Duterte, tameme lahat sila. Na-eradicate ang mga petty criminals tulad ng mga holdaper, isnatser, budul- budol, estribo gang at iba pa na ang tunay na kawawa ay ang mga ordinaryong komyuter, pedestrians at iba pang peace loving citizens.
Hindi ka na mag-aalala, pag lumabas ang anak mo patungong iskul o mga okasyon na mapapahamak siya sa labas o maagawan ng pera gadget sa kuko ng mga buwitre sa lipunan dahil takot sila sa direktiba ni Pangulo sa Kapulisan kung paano patinuin ang mga pasaway dahil karamihan sa kanila ay adik na tulo- laway.
Kahit ang mga manggagawa na umuuwi sa dis-oras ng gabi o mga pumapasok sa trabaho sa madaling araw ay safe sa panahon ni exPDU30.
Pero ngayon, piyesta na uli mga halang na hangal na mga kriminal lalo’t magpa-Pasko. Naglabasan na naman ang mga animal na mga pusakal sa kalye upang mamerwisyo ng ordinaryong tao.
Di na takot ang mga demonyong mang-aagaw, mangdudukot at harapang kukunin ang konting pera at pinaghirapang bilhing gadget ng masang malaki ang ekspektasyon sa bagong admistrasyon para sa katiwasayan,katahimikan at kaayusan ng pamayanan.
Umuusbong na uli ang mga bigtime na salot ng lipunan at nilalango na naman sa droga ang mga kabataan sa bayan ni Juan.
Dapat na silang kalusin ng Kapulisan lalo iyong kanilang mga alagad na nag-aalaga ng kriminal.
Pero mukhang malambot ang kanilang approach at mistulang kinukunsinti pa ang pagtaas ng kriminalidad dahil daw magpa-Pasko kaya dumarami ang mga may pera na tukso naman sa mga kampon upang mang-agaw ng ipon at bonus ang mga bogus na elemento ni Taning.
Biruin mo, sasabihin ng pulis sa mamamayan… Mag-ingat kayo pag nasa labas upang di maging biktima ng mga kriminal na ungas.
‘Di ba dapat ay ang warningan nila ay ang masasamang loob. Hindi ang ordinaryong mamamayan?
Baka di pa nila( otoridad) nakikita ang pagdami ng salot sa lipunan?..ISUMBONG na kay APO BONGBONG!… Abangan!!!