Advertisers
ANG Pilipinas ay magpaparada ng tig-tatlong pares sa men’s at women’s division sa Volleyball World Beach Pro Tour Futures — ang ikatlong international tournaments na itatanghal ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ngayong taon.
Pangungunahan nina Jude Garcia at Krung Arbasto, Ranran Abdilla at Jaron Requinton, at James Buytrago at Pol Salvador ang men’s division ng Futures at kasama ang world best beach volleyball teams sa Subic Bay Sand Court mula December 8 to 11.
Ang pares ng veteranang sina Dij Rodriguez at Gen Eslapor, Sisi Rondina at Jovelyn Gonzaga at ang batang tandem nina Grydelle Matibag at Khylem Progella ang kakasa sa women’s competition.
Ang Pilipinas ay nakapasok sa 16-team main draw kasama ang 2 pangkat mula sa Japan, Thailand, Singapore, Lithuania,Israel at Italy.
Ayon kay PNVF president Ramon “Tats” Suzara, 13 more women’s team — seven mula sa Japan,2 mula sa South Korea, ang Czeck Republic, Singapore, Canada at France – ang maglalaban sa natitirang main draw slots sa qualification round sa December 8.
Labing apat na pares — apat mula sa Czeck Republic, 3 mula sa Japan, 2 each mula sa Thailand at Australia, New Zealand,Austria at Israel — ang dadaan sa qualifier para sa huling four slots sa men’s main draw sa December 8.
Ang main draw ay gaganapin sa December 9-11. Tournament format ay ang modified pool play at susundan ng single elimination rounds.
Ang Futures ay isa sa three tiers ng Volleyball World Beach Pro Tour kahalintulad ng Challenge at Elite 16.
Ang PNVF nag host ng men’s at women’s leg ng Volleyball Nations League sa Araneta Colesium nakarang Hunyo at ang Asian Volleyball Confederation Women’s Cup nakaraang Agosto sa PhilSports.