Advertisers
NAILIGTAS ng Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) ang 12 overseas Filipino workers na biktima ng isang large-scale human trafficking operation ng isang sindikatong Chinese na nakabase sa Myanmar.
Inilahad ni Senador Risa Hontiveros ang mapait na karanasan ng 12 OFWs sa kamay ng sindikato.
Kuwento ng mga biktima, pinangakuan sila ng trabaho sa isang call center bilang CSR (customer service representative) o ‘di kaya’y data encoder.
“Ngunit, pagdating nila sa Thailand, kungsaan inaakala nilang magtatrabaho sila, hinila sila ng mga alagad ng Chinese mafia na ito sa Myanmar upang gawing mga scammer na gumagamit ng crypto currency,” sabi ni Hontiveros.
“At kapag wala silang na-scam o nahuthutan sa pamamagitan ng crypto, hindi sila pinapakain, hindi sila pinapasweldo, ibinebenta sila sa ibang kompanya, at higit sa lahat, pinagbabantaan ang kanilang buhay.”
Kuwento pa ng isa sa mga na-rescue, plano ng Chinese mafia na gawing Pinoy lahat ang team na mga scammer sa Myanmar at iba pang lugar sa Asya.
“May namumuong masa-mang plano ang Chinese mafia na ito na gawing all-Filipino team ang scammers nila sa Myanmar at iba pang lugar dahil sa ating English proficiency. This is why, I stand before you today because this is of extreme importance and urgency,” ani Hontiveros, author ng Anti-Trafficking in persons Law.