Advertisers

Advertisers

Tsuper, kulong sa kasong child abuse

0 163

Advertisers

Kulong ang 55 anyos na lalaki nang sampahan ng patong-patong na kaso sa di-umano’y pang-aabuso, sa Lungsod ng San Jose, Lalawigan ng Nueva Ecija nitong Sabado, Nobyembre 18.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Marlon M. Cudal, hepe ng pulisya, kay Nueva Ecija director, P/Col. Richard Caballero, kinilala ang suspek na si Jerry Guevarra Medina, alyas Gerry Paulino Medina, may asawa, driver, residente ng Zone 8, Pabalan Subdivision, Barangay Abar 1st, San Jose City, Nueva Ecija.

Sa report, 11:40 ng umaga ng ikasa ang Manhunt Charlie Operation sa nasabing barangay nang pinagsanib na pwersa nang Tracker team at Warrant Personnel ng San Jose City Police Station na pinangunahan ni P/Major Aniceto Caraang sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Cudal (lead unit).



Kasama rin sa isinagawang operasyon ang ilang tauhan mula sa Nueva Ecija 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa pangunguna ni Force Commander, P/Lt. Col. Joseph R. Sta. Cruz; 303rd Maneuver Company at Regional Mobile Force Batallion 3 (RMFB3).

Hindi na nagawa pang pumalag ng suspek nang ihain dito ang reklamo ng paglabag sa Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act (Anti-Child Abuse Law) 10(A) ng Republic Act 7610 na may Criminal Cases number 7461-2022-SJC at 7462-2022-SJC na inisyu noong Nobyembre 14 ng Regional Trial Court (RTC) Branch 38, San Jose City, Nueva Ecija, na may piyansa sa halagang Php 80,000.

Pansamantala nasa ilalim ng kustodiya ng nabatid na istasyon ng pulisya ang suspek.