Advertisers

Advertisers

SUV tinangay sa Tuguegarao, natagpuan sa Isabela

0 160

Advertisers

CAUAYAN CITY – Nakita sa Mallig, Isabela ang tinangay na Sports Utility Vehicle (SUV) sa bahay ng isang negosyante sa Tuguegarao City Linggo ng gabi.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office, natagpuan ang nakaparadang Toyota Fortuner na may plakang JES 18 sa tabi ng Mallig-Delfin Albano Road sa Manano, Mallig, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat na ang sasakyan, pagmamay-ari ng biktimang si Jessie Dela Cruz batay sa nakitang OR at CR sa sasakyan.



Iniwan din ng mga kawatan ang susi ng sasakyan na nakalagay pa sa ignition, at nagkalat din sa loob ang mga plastic.

Magugunitang, pinasok ng tatlong katao ang bahay ng pamilya Dela Cruz kung saan nakuha ang ilang mga alahas, limang touch screen cellphone, at hindi pa matiyak na halaga ng pera.

Ayon sa pulisya, dahil umano sa matinding takot naibigay ng biktima ang susi ng sasakyan sa mga suspek dahilan para matangay ang sasakyan .

Armado umano ang mga nanloob sa bahay ng biktima kaya’t wala silang nagawa kundi sumunod sa mga suspek.

Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang PNP Tuguegarao City noong gabi ng Sabado at sinuyod ang lahat ng kalsadang maaring gawing exit point ng mga pinaghihinalaan na posible umanong dahilan kung bakit inabandona ang sasakyan sa gilid ng kalsada.



Sa ngayon, patuloy pa rin ang isinagawang hot pursuit operation ng mga otoridad, laban sa mga pinaghihinalaan.