Advertisers

Advertisers

Boxing coach at trainee pinatay sa Cotabato

0 188

Advertisers

Patay sa pamamaril ang isang boxing coach at trainee nito sa probinsiya ng Cotabato.

Kinilala ang mga nasawi na sina Joel Gardose Abendaño, sina boxing coach ; at Aikeeh John Anthony Necor, trainee.

Sa ulat, nasa tapat ng Casa Reynosa Restaurant sa poblacion ng Antipas sa probinsya ng Cotabato sina Abendaño at Necor ng lapitan ng mga salarin at pagbabarilan 6:00 ng gabi, nitong Linggo, November 20, 2022.



Patay on the spot si boxing coach Abendaño at pumanaw naman sa isang pagamutan habang ginagamot ang trainee nitong si Necor.

Ayon sa inisyal na ulat, kawani si Abendaño ng Antipas Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Inaalam pa ng mga imbestigador ng Antipas Municipal Police Station kung sino ang mga bumaril-patay sa dalawa at kung ano ang motibo sa krimen.