Advertisers
‘Yan daw ang halaga ng sponsorship sa isang koponan sa UAAP ayon sa isang online business site.
Posible yan para sa team ng Ateneo, La Salle at National U na may mga bilyonaryong mga tagatangkilik. Batid naman natin na malaki gastos ni Manny Pangilinan sa buong taon para alagaan ang Blue Eagles. Siyempre pondo ay galing sa mga kumpanya niya tulad ng Smart at Medical City.
Ang karibal na Green Archers naman may logo ng ICTSI na negosyo ng tagapagtaguyod na si Enrique Razon.
Ire naman na Bulldogs na pagmamay-ari ng mga Sy ng SM Group ay galing ang pera sa mga supplier ng shopping center tulad ng Boysen.
Hinihingan din nila ang mga marka na mabibili sa kanilang mga tindahan.
Ang UP ay suportado ni Robina Gokongwei kaya nakatatak sa mga jersey ng Fighting Maroons ang Robinson’ s at True Value na mga store sa ilalim ng kontrol ng mga Gokongwei.
Pinapayagan ng hanggang lima na brand name sa uniforme ng mga player kabilang na ang kanilang official outfitter gaya ng Nike at Adidas.
Sabi ni Pepeng Kirat ay ang taas na pala ng halaga ngayon upang malagay ang pangalan ng iyong trademark. Noon taong 2001 ay wala pa raw isang milyon ang naibabayad ng isang business firm sa eskwelahan. Yan ay para sa exposure ng tatlo hanggang apat na buwan na basketball season sa telebisyon
***
Magandang gesture ang pagpunta ni John Amores sa ensayo ng College of Saint Benilde upang humingi ng paumanhin. Ito na ang simula ng healing process. Sa insidente ay puro siya ang agresibo at hindi nakaganti ang Blazers.
Bata pa naman ang salarin na Heavy Bomber at may pagkakataon pang magbago. Malay natin sa loob ng isa o dalawang taon ay mapatawad siya ng mga opisyales ng JRU at buong NCAA Board. Kung noong 70s ay natanggal din ang lifetime ban kina Robert Jaworski at Big Boy Reynoso sa pag-atake sa mga reperi ng game nila sa Meralco ay uubra rin itong mangyari kay Amores na noong haiskul ay nagawaran pa ng Sportsmanship Award.
***
Hindi lang mga 2027 at 2029 first round pick ang mayroon ang LA Lakers. May iba pa sila mula sa isang taon pero tanging yung mga nabanggit lamang ang malaya nilang maipapagpalit. Kasi gaya sa 2023 ay may swap sila ng New Orleans. Bunga ito ng paglipat sa Hollywood team ni Anthony Davis taong 2019.
May 3 player, swap ng draft position at draft rights ang naging cost ng pagoberdakod ng center-forward.