Advertisers
Hindi lang magikero ang nasa puno ng Balite sa Malacanan na si Boy Pektus isa rin itong komedyante ng bangitin na malapit na makamit ang pangarap nitong P20.00/k ang halaga ng bigas. Marami ang humalakhak sa pahayag na dahil tila nasa loob ito ng kulambo na nanaginip nang magbigay ng pahayag. Tila sinadya ang pagbibigay ng datos upang magpabango sa punong guro na nasa harap ng maraming nakikinig. Sa pahayag marami ang pumalag at napahalakhak na ibig sumigaw ngunit pinigilan ang mga sarili bilang galang kahit sa pwestong tangan at hindi sa may hawak dahil lantad na ang sinasabi’y pawang kabalintunaan. Litaw na hindi dapat paniwalaan ang pahayag dahil iba ang sinasabi ng datos hinggil sa presyo sa merkado. O’ dahil galing ang datos sa mga alipores na batid na hindi gagap ni Boy Pektus ang kalakaran sa baba, ito ang isinubo. Ang masakit itinali sa pangarap ang pahayag ng hindi inalam o ipinaalam ang tunay na kaganapan sa pamilihan. Hindi pinairal ang CSW o Complete Staff Work.
Lapatan ng datos ang takbo ng ekonomiya ng bansa kung sinabing malapit na si Boy Pektus sa pangarap nito. Sa takbo ng panahon, patuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin mula sa 6.0% tungo sa kasalukuyang 7.7%. Na nagsasaad na pataas ang halaga ng mga bilihin. Sa totoo lang, ang mga nabibili sa merkado’y karaniwang nakatali sa mga produktong inaangkat sa ibang bansa na kailangang gumamit ng dolyar bilang pambayad. Sa paghina ng peso kontra dolyar sapat na bang masasabi na malapit ng maabot ang pangarap, hindi. Dahil sa ikinasang pangarap bumabanga ito sa nais ng Economic Team ni Boy Pektus, ang palitan ng piso sa dolyar na P48.53 ngunit umaabot ito sa P60.00. Habang ang pangarap sa antas na na halaga ng bilihin na 4%, umabot ito sa 7.7%.
Sa takbo ng pangarap ni Boy Pektus tila mauuwi sa bangungot ang lahat dahil hindi kinakitaan ng mahusay na pagbabalangkas ang pamahalaang at hinahayaan na tumakbo ang merkado ayon sa sariling sipa. Hindi pa kasama sa suma ang mga kalamidad na labas pasok sa bansa na nagpapabagal sa pag-usad ng kabuhayan ng mamamayan. Sa isang banda, masasabing bumaba kuno ang unemployment rate sa bansa sa 5.2%. Subalit hindi iniulat ang underemployment na nagsasabi na hindi sapat ang kita ni Mang Juan sa taas ng halaga ng bilihin. Nariyan ang mga datos na umangat ang GDP ng bansa sa 7.6%. Ngunit nagtatanong si Mang Juan, bakit hindi niya ito naramdaman o isang estatistika lamang ito dahil hindi mag-abot ang kita sa dapat bilihin. O’ sadyang ang pangarap na binabangit ni Boy Pektus ay pansarili at hindi sa mga Pilipino. Sa totoo lang, ang tanong ni Mang Juan ang siyang tanong ng bayan, nasaan ang paglago kung wala kaginhawahan sa buhay dahil sa taas ng presyo ng bilihin.
Hindi alam ni BP ang kalakaran sa baba, narito ang magandang halimbawa, may daing ang maglalako ng asin ang nagpahayag na tumigil ito sa pagtitinda dahil hindi na kaya ng puhunan sa pambili ng asin na nasa P520.00 kada sako mula sa P260.00. Ang pagtaas ng presyo’y at pagkawala ng hanap buhay ng mama’y ‘di nakasama sa estatistikang binabangit. Ang masakit walang ayudang natatangap ang pobreng maglalako ng asin. At ng maghihiwalay nabulong nais nitong isanla – ibenta ang hawak na cellphone upang may ipang-uwi sa anak na ‘di pa kumakain. Kasama ba ito sa pangarap ni BP? Pangalawa, hindi na pwede ang humingi ng siling panigang, maging ang piraso ng labuyo dahil P5.0 kada piraso habang P1.0 isa ang labuyo. Hindi pwedeng dumampot ng bigas upang ngatain habang naghuhuntahan dahil idadagdag ito sa bayarin. Ito ang realidad o kalakaran sa baba, alamin ito, Boy Pektus?
Mang Juan batid mo ba na nakahiram na sa Financial Institution ang pamahalaan ni Boy Pektus ng $2B upang magamit sa pagpapalutang ng ekonomiya ng bansa. Tila hindi sapat ang $8.0B na nasa BSP at kailangan dagdagan ng masabing gumagalaw ang ekonomiya ng bansa. Tanong, magkano o may natira ba sa kabang bayan ang pamahalaan ni Totoy Kulambo at sa aga ng panunungkulan kailangang mangutang? Baka nais ipabatid kay Mang Juan dahil pasanin na naman ito sa hinaharap.
Silipin ang panukalang budget ng gobyerno na P5.26T, na magdadala sa bansa sa pangarap ni Boy Pektus na maalwan na buhay. Para kanino? O’ baka ito’y isang bangungot sa dami ng confidential at intelligence fund ng halos lahat ng sangay ng pamahalaan. Mukhang magtitiktikan kayo upang masabi na magagamit ang mga pondong hinihingi. Hindi kayo sanay sa larong taguan pong na batid kung saan nagtatago o pupuntahan ang hinahanap. Kailangan ba ng milyon milyon o bilyon bilyong pondo upang malaman kung saan makikita ang hinahanap. At ito ba’y para sa 2023 lamang o hangang nasa pwesto. O may piknik o typar na paggagamitan ang mga pondong ibig.
Sa totoo lang, hindi kayang punuan ng buwis ang panukalang budget ng pamahalaan. Ang pagpapalit ba ng BIR Commissioner ang nakitang hakbang upang makamit ang tamang buwis na kailangan ng pamahalaan. O’ isa itong estratehiya upang hindi muling masilip ang P203B bayarin ng pamilya ni Boy Pektus sa pamahalaan. At dahil ‘di marunong sumayaw ang pinalitang komisyoner. Ano masasabi ni BenJoke sa aksyon ito? Natitiyak na hindi kayang abutin ng BIR ang collection target sa susunod na taon, kakailanganin ang mahigit na P1.0T pondo na uutangin upang mapondohan ang maraming IC fund. Hindi kasama dito ang mga kalamidad na karaniwang bumibisita sa bansa. Mang Juan, lalong magsumikap dahil kailangan ng pamahalaan ng P4 – P10B kada araw para sa panukalang budget ng pamahalaan.
Muli, ang kakulangan sa paglalatag ng takbuhin ng pamahalaan ang kahinaan ng administrasyong ni Boy Pektus. Umaasa ito sa takbo ng pangyayari na larawan ng walang kaalaman sa pamamahala maging sa pagtimon sa kabuhayan ng bansa. Mahina ang pananaw sa maaaring kaganapan sa hinaharap ng bayan maging sa labas ng bansa. Nakatali lamang sa teorya ang galaw sa halip na basahin ang kaganapan sa ibaba. Tunay bang mahina ang mga nakapalibot o may sariling diskarte si Boy Pektus sa pagpapalakad ng bansa na hindi magkatugma. Sa anim na buwan na paghawak sa timon ng pamahalaan, hindi tiyak ang tahakin. Ang panukalang budget ng pamahalaan ang larawan na hindi maitatatwa na siyang landasin nito, walang patunguhan. Walang nagnanais na magbigay para sa bayan lalo kung kaperahan ang usapan. Ang tangang kapangyarihan ang regla sa hinaharap at bahala na paano o kung ano ang kalalabasan. Tunay na ang pangarap ay ang malinis ang ngalan na tila mailap sa kawalan ng kaalaman. Hindi inaasahan na magbabago ng kapalaran tulad ng amang duhapa sa kapangyarihan.
Maraming Salamat po!!!