Advertisers

Advertisers

SAKLAAN @ IBA PA SA ANGELES CITY

0 278

Advertisers

Grabe na talaga ang sitwasyon ngayon dyan sa Angeles City, Pampanga.

Ito ang paglalarawan ng ilang concern senior citizens ng siyudad na doon na tinubuan ng puting buhok at inabot ng takipsilim sa kabilang buhay.

Ika nga mga taal na taga- Angeles na doon nga isinilang at doon na marahil pipiliing abutan ng takdang panahon.



Panabay ng kaunlaran ng siyudad dulot ng pagpasok ng modernisasyon at samut saring uri ng negosyo,unti-unti na ring nahulma ang kanilang lungsod bilang “gambling capital at sin city” ng Gitnang Luzon.

Ang Angeles City ngayon na pinamumunuan ni Mayor Carmelo “Pogi” Lazarin Jr. ang pinakamaunlad na siyudad sa probinsiya ng Pampanga ngunit pinaka- kontrobersiyal din dahil pinamumugaran ito ng napakaraming kuwestiyonableng kaganapan at kaduda-dudang personalidad.

Nasa lungsod ang isang tinaguriang Korean community kung saan majority sa mga ito ay deeply involved sa opisyo at negosyo ng sugal.

Dinarayo rin ito ng maraming gambling afficionado as far as from Metro Manila and even from Cebu and the Visayas.

Ika nga main income ng siyudad ni Mayor Pogi Lazarin were derived from gambling businesses.



Siyempre kung may nga legal na gambling dens,may night entertainment business na rin para sa mga foreigners na nagsusugal.

‘Yan po ay para sa mga may pera o yung tinatawag na highrollers na sugarol.

Eh paano ang mga walang PERANG residents ng Angeles na gusto rin magsugal at makisaya sa ligayang dulot ng kultura ng pagsusugal na “can not afford” pasukin ang nagkikislapan at magagarang gambling dens ng Angeles City?

Dyan po papasok ang Grupo nina JOSIE at EVELYN na binansagang reyna ng sakla sa buong siyudad.

Andyan din po ang sangkaterbang SAKLAAN ng isang Tere Tomboy.

LAHAT po ng mga puwesto pijo ng mga reynang ito ay nakabalandra sa bawat Barangay ng Angeles City as if may nakuhang prangkisa mula sa opisina ni Mayor Pogi Lazarin.

Binabantaan pa ng ilang unipormadong pulis na umano’y naka payroll kina JOSIE,EVELYN at TERE TOMBOY.

Totoo po ba ito Mayor Pogi Lazatin sir.

Speaking of vices Mayor Lazatin sir, grabe din daw po ang opisyo ng prostitusyon dyan sa inyong siyudad.

Bukas po ang kolum na ito para sa panig ni Mayor Pogi Lazatin o kung sino man sa kanyang mga tao o opisyal na tagapagsalita.

Nais lang po namin isatinig ang reklamo ng mga concerned senior citizens ng Angeles na sukang-suka na sa kinasadlakang sitwasyon at kalagayan ng kanilang mahal na lungsod.

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com