Advertisers
Ni ARCHIE LIAO
SA kauna-unahang pagkakataon, nag-open up si Carla Abellana sa kanyang pinagdaanan sa kanyang personal na buhay kasama na ang pag-aasawa.
Hirit pa niya, noong pumasok daw siya sa showbiz ay nagkaroon siya ng “culture shock” dahil hindi siya sanay sa ganitong klase ng mundo.
Dati raw kasing umiinog ang buhay niya sa corporate world kaya nagkaroon siya ng 360 degrees turn sa pagyakap sa kanyang bagong routine.
Wala rin daw talaga sa hinagap niya na magiging artista siya balang araw.
It was her manager and abuela raw ang nag-convince sa kanya na i-try ang acting.
Noong nakapasok na raw sa pag-aartista, doon na raw niya naranasan ang ma-compliment at ma-bash.
Pero wala raw naman siyang regrets sa mundong kanyang pinasok lalo pa’t napamahal na sa kanya ang acting.
Aniya, marami rin daw leksyon ang itinuro sa kanya ng pandemya.
Na-realize raw niya na maraming bagay sa buhay ang hindi sigurado kasama na ang pakikipagrelasyon.
Gayunpaman, importante raw na magkaroon ng positive outlook sa buhay sa kabila ng mga kanegahanang nangyayari sa mundo o anumang pinagdadaanan.
Sey pa niya, ang mga natutunan daw niya sa pakikipagrelasyon ang naging daan para maging mas matalino siya at mas matatag.
Kasama raw sa sugal ng pakikipagrelasyon ang minsang mauntog ka o makaranas ng heartaches.
“Ang pinakaimportante, itong past year talaga, we will never know kung anong mangyayari. We may make plans or we see everything… But sometimes life just hits you na parang hindi mo talaga alam what’s going to happen tomorrow. Yung parang what you have is just today,” ani Carla.
Sa lowest point daw ng kanyang buhay, doon niya napagtanto na in the end, ang sarili mo pa rin ang sasalba sa iyo.
“There are times talaga na you have only yourself to help you… Tsaka aminin naman natin, ‘yung support system natin hindi naman ‘yan nandiyan 24/7 sa’yo, ‘di ba? Hindi naman ‘yan nakakakabit sayo forever ‘di ba?” paliwanag niya.
Dagdag pa niya, sa kabila ng failed marriage, naniniwala pa rin daw siya sa love.