Advertisers

Advertisers

PAGSUSPINDE NG OMBUDSMAN KAY ANTIPORDA BINATIKOS NG ILANG KONGRESISTA

0 209

Advertisers

BINANATAN ng isang kinatawan ng party-list sa Kongreso at isang lady solon na ang pagsuspinde kay National Irrigation Administration (NIA) administrator Benny Antiporda ay naglalagay sa panganib sa pangangailangan ng suplay ng enerhiya sa bansa at mga pangangailangan sa irigasyon.

“Nakababahala na ang isang magaling na tao ng gobyerno ay sirain dahil lang sa kanyang management style na tama lang na gawin dahil maraming anomalya sa NIA,” sabi ni Philippine Rural Electric Cooperative Association (Philreca) Representative Presley C. De Jesus.

Ang tinutukoy ng kongresista ay ang reklamong inihain laban kay Antiporda ng dalawang dating opisyal ng NIA dahil sa umano’y ‘grave misconduct, harassment, oppression at ignorance of the law’.



Si Antiporda ay pinatawan ng anim na buwan na ‘preventive suspension’ na walang sahod mula Nobyembre 15, 2022.

Sinabi ni Antiporda, na agad na sumunod sa utos ng Office of the Ombudsman, na hindi pa siya nakatatanggap ng kopya ng reklamo laban sa kanya.

Idiniin naman ni Iloilo Rep. Julienne “Jamjam” Baronda na “kahina-hinala” ang tiyempo ng pagsuspinde kay Antiporda habang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagtalaga kay Antiporda, ay abala sa paghahanda para sa pulong ng APEC sa Thailand.

Ang isa pang sinasabing nagrereklamo, ang NIA Employees Association of the Philippines (NIAEASP), ay tinuligsa ang pagkakasama nito bilang complainant laban kay Antiporda.

Sa katunayan, sinabi ni NIAEASP president Eduardo Yu sa isang pahayag noong Nobyembre 16 na nananatili at naninindigan sila ng pagsuporta sa pamumuno ni Antiporda sa NIA.



Sinabi ni Rep. De Jesus na bilang nangungunang boses sa Kongreso para sa mga electric cooperative sa bansa na ang pagkuha sa PPP na iminungkahi ni Antiporda ay makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan ng suplay sa kuryente sa mga kanayunan.

“Ang rural electrification ang aking adbokasiya. Kapag nakapagtayo ng maraming (water) dams, marami rin ang maitatayong hydroelectric power at solar power plants,” ayon kay De Jesus.

“At dahil sa PPP proposal ni Antiporda, siguradong dadami ang mga proyekto na makatutulong din sa problema sa kuryente (supply) sa rural areas,” punto ni Rep. De Jesus.