Advertisers
ISA ang patay at tatlo ang sugatan nang mauwi sa barilan ang pagpapaputok ng isang customer sa isang bar sa Bacolod City, Miyerkoles ng gabi.
Kinilala ang napatay na si Pfc. Edmark Iwayan na nagtamo ng walong tama ng bala sa katawan. Sugatan naman ang may-ari ng bar na si Joebert Visem at isa pa niyang kasamang si Pfc. Joebert Villagracia.
Samantala, sugatan din ang isang Carampatana at isa niyang kasama.
Kinilala ang salarin na si Ulysses Carampatana.
Ayon sa ulat, nainis si Carampatana nang hindi sila pina-order sa nasabing bar.
Base sa imbestigasyon, dumating sa bar ang grupo ni Carampatana at nagalit nang hindi sila pa-orderin dahil pasara na ang bar.
Nagpaputok ng baril si Carampatana. Gumanti naman ng putok ang grupo ng may-ari ng bar na si Visem.
Mahaharap sa reklamong murder si Carampatana.